Stuck in the moment (June 8, 2013 ; 12:04 PM)

Published June 8, 2013 by Anne Santos-Xi

Hais. Minsan naiisip ko na, nakakasawa din pala yung buhay ko dito.
Araw araw na lang na ganito.
Lagi kong naiisip kung ano yung sinasabe saken ng ibang tao pag nakatalikod ako sakanila.

Laging ganito. Nahihirapan din ako. Mahirap pala talagang malayo sa buhay na nakasanayan mo na.
Mahirap malayo sa pamilya mo.
Nakakamiss yung mga times na may nag aalaga saken, though malaki na ko.

Ngayon nasasabi ko na, na iba talaga pag nasa sariling bahay. Pag nasa sariling pamilya.
Pero, sobrang swerte ko at andito ako. Atleast, malayo din naman ako sa mga nakaraan kong gusto ko nang kalimutan.

Minsan, naiinggit ako sakanila, kase sila buo.
Tapos ako dito, mag-isa. Ni walang makaintindi sakin. Kahit sino.
Wala akong mapagsabihan ng mga hinanakit ko sa mundo.
Walang nagtatanong saken kung ayos lang ba ko. Wala. Kahit sino. Wala talaga.
Sabagay, ganun talaga siguro pag lagi kang masaya at walang pinoproblema. Walang nagtatanong kung malungkot ka na ba.

Kaya nga madalas, tinatakasan ko nalang yung realidad. Bumubuo nalang ako ng sarili kong mundo.
Sarili kong mundo na kahit kailan, hindi nila naiintindihan.
Sarili kong mundo na ako lang ang may alam.
Na sarili ko lang ang kakampi ko. Na sarili ko din ang kaaway ko.

Kumplikado ang buhay ko. Kaya ayoko nang dagdagan pa ng komplikasyon.
Tama na lang yung mag isa ako. Though madami akong nakakasalamuha, alam ko, in the end, ako at ako pa din ang matitira.

May mga bagay na, mas mabuting ako nalang yung may alam. Kesa sabihin ko pa sa iba. Na alam ko din namang huhusgahan ako. Kaya kikimkimin ko na lang to.
Atleast, alam ko sa sarili ko na, may nagagawa akong tama.

Akala ng iba, matapang ako. Akala nila wala akong kinakatakutan.
Pero hindi, sa sobrang dami ng bagay na kinakatakutan ko, pagtatawanan nalang nila ako.
Kaya mas mabuti na yung ganito. Dito na ko masaya. Edi itutuloy ko na.

May natanong sakin, bakit daw ayokong magboyfriend.
Natawa ako, kasi nakakatawa yung tanong nya.
Ang sagot ko:
“Ang komplikado na nga ng buhay ko, idadagdag ko pa yun? Mas lalo lang magiging komplikado buhay ko. Magulo akong babae. Hindi ko kayang labanan yung isip ko. Yung isip ko ang nasusunod. Hindi yung puso ko.”

Sa sinagot ko na yan, ang dami kong narealize. Sobrang dami.

Masaya na ko sa mundong ginawa ko. Sa mundong ako ang bida.
Ayokong magpapasok ng KAHIT NA SINO.
Kuntento na ko…

Leave a comment